top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Final answer ni P-Duterte | WALA AKONG ‘MANOK’ SA PAGKA-SPEAKER

  • Mylene Alfonso
  • Jul 2, 2019
  • 1 min read

NAGPAHAYAG si Pangulong Rodrigo Duterte na pinal na ang kanyang desisyon na ipaubaya na lang sa mga mambabatas kung sino ang nais nilang maging lider sa Kamara.

Ayon sa pangulo, mga kaibigan at ayaw niyang ma­saktan ang mga nais maging Speaker.

“Sina Alan Peter Ca­ye­tano, Martin Romualdez at Allan Lord Velasco, lahat sila kaibigan ko, eh. Maski sino sa kanila, okay sa ‘kin,” ani P-Duterte.

Sa panayam, nagpahi­watig din ang pangulo na pagod na siya dahil paulit-ulit na niyang sinasabi na ayaw niyang mamili.

“Kung ako sa kanila, hayaan na rin bumoto ang bawat congressman kung sino ang gusto nilang ma­ging lider, walang pilitan. Ako nga hinahayaan ko na, eh. Kaya nu’n mga nakaraang araw, ibinigay ko na kay Speaker Gloria Macapagal Arroyo na siya na ang ma­mili ng kanyang successor pero, akala siguro niya biro lang ‘yun kaya inulit ko, ‘Ma’am, ikaw na ang ma­mili ng Speaker’, ‘yan na ang pakiusap ko sa ‘yo para sa bayan”.

Dagdag pa ng pangulo, gusto niyang stable ang li­derato sa Kamara at smooth sailing ang lahat lalo na at ma­rami pa siyang priority bills na dapat maipasa bago ma­tapos ang kanyang ter­mino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page