top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

AMA TITANS, NAGKAMPEON SA TAIWAN EXCELLENCE 3-ON-3

A. Servinio
Jul 2, 2019
1 min read

WINALIS ng AMA University ang Seniors at Juniors Division Championships ng 2019 Taiwan Excellence 3-On-3 Hoop Challenge sa SM Megamall noong Linggo. Hindi pa man nagsisimula ang laro, nakatiyak na ang mga Titans dahil puro mga koponang AMA ang nagtapat para sa titulo.

Sa Seniors, wagi ang Annie’s Way-AMA sa Feca-AMA, 18-14, upang makamit ang tropeo at regalo buhat sa mga sponsor. Lamang ng isa ang Feca, 14-13, na may isang minutong nalalabi pero, bumuhos ng apat na sunud-sunod na puntos si JayR dela Rosa para mabawi ang kalamangan at tuluyang lumayo.

Naglaro ang Annie’s Way na walang kapalit mata­pos masaktan si Joshua Sabile noong elimination round sa Ateneo de Manila University noong nakaraang Linggo kaya nagtulungan sina dela Rosa, Christian Germino at Alec Catorce. Tinalo nila sa semifinals ang Johnson-Dribble Drive, 21-15, habang nakapasok ang Feca, salamat sa mainit na shooting ni Alvin Fuentes na nagpauwi sa liyamadong Tern-National University, 18-16.

Samantala, unang nagwagi ang Annie’s Way-AMA Juniors sa Feca-AMA Juniors, 13-12. Ibinigay ni Earl Bryan Ceniza ang lamang sa Annie’s Way na may 38 segundo sa orasan, 13-12 at hindi gumuho ang kanilang depensa.

Kasama ni Ceniza sa mga nagkampeon ay sina Joshua Villamor, Josh Reymond Colina at Zheanriz Romero. Tinalo nila sa semifinals ang Tern-Philippine Merchant Marine School, 12-10, habang wagi ang Feca sa Saint Benilde Integrated School ng Calamba, 16-8.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page