Tricycle driver niratrat, utas
Paul Lamsen
Jul 1, 2019
1 min read

ISANG tricycle driver ang nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa sa Dagupan City.
Kinilala ang biktima na si Kenneth Barroso, 29, may asawa, naninirahan sa nasabi ring lugar.
Ayon sa imbestigasyon, natutulog ang biktima sa kanyang tricycle nang pagbabarilin ng mga suspek hanggang sa masawi.
Samantala, inaalam pa ang motibo ng krimen at pinaghahanap na ang mga salarin.





Comments