top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pinansiyal na suporta ng gobyerno sa mga foster child

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang ibinibigay na pinansiyal na suporta ang ating gobyerno para sa foster children? Salamat! — Jeannie

Dear Jeannie,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 21 ng Republic Act No. 10165 o mas kilala sa tawag na Foster Care Act of 2012 at Rule 22.1 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas. Nakasaad dito na:

"Section 21. Assistance to a Foster Child. —

(a) Foster Child Subsidy. – A foster child, through the agency, shall be entitled to a monthly subsidy from the DSWD, subject to existing government auditing rules and regulations. The subsidy is primarily aimed at supporting the expenses of the child to lessen the financial burden on the foster parent: [ xxx.]” (Section 21, R.A. 10165)

◘◘◘ ◘◘◘ ◘◘◘

"RULE 22. Assistance to a Foster Child. – 22.1. Foster Child Subsidy.

◘◘◘

(c) The Subsidy may be in the form of an outright financial aid, goods or support services.” (Rule 22.1 (c), IRR, R.A. 10165) (Binigyang-diin)

Samakatwid, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD), maaaring magbigay ang pamahalaan ng monthly subsidy para sa foster children upang matulungan ang kanilang mga foster parent sa gastusin para sa mga bata. Kung nais ninyong malaman ang subsidiyang ibinibigay para sa mga foster parent, maaari kayong makipag-ugnayan sa DSWD na nakasasakop sa inyong lugar.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page