Pagmamatiyag ni: Ronalyn Seminiano Reonico
- BULGAR

- Jul 1, 2019
- 1 min read

Ika’y nakatayo habang nakapamulsa
sila’y hindi titigil upang ika’y mapuksa,
ito’y batid at iyong nalalaman sila’y nagmamatiyag, ika’y minamanmanan.
Sa tuwing ika’y nasa alanganin
ika’y pawang nakangiti, ngunit, ‘di makatingin.
Alam mo, kahit pa walang salamin, butas ay kanilang hinahanap upang ika’y tisurin.
Ang buhay ay sadyang nakababagot.
Batid mong sa iyo, mga mata nila’y nakadikit
ika’y pinanonood at minamatiyagan
sa katahimikan at misteryo, ika’y minamanmanan
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments