top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nakaisip ng libreng sakay para sa mga estudyante sa MRT, LRT at PNR, bigyan ng medal!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2019
  • 2 min read

Libre na sa pamasahe ang mga estud­yante sa MRT, LRT at PNR, napa­kagan­dang ideya nito at kung sinuman ang naka­isip nito ay dapat bigyan ng medalya.

Mula ngayong Hulyo, hindi na kailangang magbayad ang mga estudyanteng sasa­kay ng Light Rail Transit (LRT) 2, Metro Rail Transit (MRT) 3 at Philippine National Rail­ways (PNR).

Kailangan lang nilang ipakita ang kani­lang student ID at libreng sakay na.

Kasama sa programa ang mga mag-aaral sa elementarya, high school at ko­lehiyo, gayundin ang mga kumukuha ng vocational o teknikal na mga kurso, pero hindi na kasali ang kumukuha ng Masters o PhD.

Gayunman, may iskedyul para sa lib­reng sakay na ito para sa estudyante. Libreng makasasakay ang mga estudyante sa MRT 3 mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-6:30 ng umaga at mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-4:30 ng hapon.

Samantala, sa LRT 2 naman ay mula alas-4:30 ng madaling-araw hanggang alas-6:00 ng umaga at mula alas-3:00 ng ha­pon hanggang alas-4:30 ng hapon at sa PNR ay mula alas-5:00 ng madaling-araw hang­gang alas-6:00 ng umaga at mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng ha­pon.

Isa pa, mula Lunes hanggang Biyernes ito, pero hindi kasama ang mga holiday.

Tinatayang malaki ang “lugi” ng LRT 2, MRT 3 at PNR kapag naisakatuparan ang planong ito, ang estima ng tinatawag na “foregone revenue” ay P130 milyon.

Pero, ‘easy’ lang ang pagkalugi na ito dahil mas malaki ang magiging “tubo” o “return on investment” na mapupunta sa ating bayan.

Sa pamamagitan ng programang ito, matutulungan o mahihikayat ng gobyerno ang mahihirap na estudyante na pumasok nang maaga para makapag-aral nang mabuti at matututo ang mga bata na ma­ging organisado at sumunod sa isked­yul.

Gayundin, hindi na kailangang mag­ba­yad ng mga estudyante na bibiyahe sa mga terminal fee sa mga airport at seaport na pag-aari ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Philippine Ports Authority (PPA).

“Layon nitong hikayatin ang pag­pasok nang maaga ng mga estudyante at baguhin ang commuter culture bilang parte ng mandato ng administrasyon sa maginhawang buhay para sa mga pa­sa­hero,” paliwanag ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Sinabi niyang ang pinakamagandang “tubo” ay kapag nakitang masaya at kun­tento ang taumbayan sa serbisyong ibi­nibigay ng gobyerno.

Sana ay simulan na rin ng ibang ahen­siya ng gobyerno ang ganitong kaisipan.

Hindi dapat nakikigaya ang mga go­vernment-owned corporation sa mga kumpanyang nasa pribadong sektor na puro “tubo” lang ang hinahabol.

Marami pa sigurong dapat ‘gawing libre’ na public utilities na hindi naman malaking gastos sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page