Misis ng boat captain, palaban kay P-Digong; mga cong. at sen., tiklop?!

PIÑOL, HINDI NAKAIMBENTO NG BIGAS NA KASINLAKI NG BAYABAS KAYA NAGBITIW SA PUWESTO? — Matatandaang, 15 araw matapos sabihin ni P-Duterte noong June 13, 2019, na nakaimbento si dating Agriculture Sec. Manny Piñol ng butil ng bigas na kasinlaki ng bayabas ay nagbitiw sa puwesto si ex-Sec. Piñol.
Baka hindi kinaya ng “talent” ng Agriculture secretary na makaimbento ng bigas na kasinlaki ng bayabas kaya nag-resign na lang siya sa puwesto, boom!
◘◘◘
MISIS NG BOAT CAPTAIN, NANAWAGAN NG IMPEACHMENT VS. P-DUTERTE, PERO MGA SENADOR AT KONGRESISTA, ‘NGANGA’ — Hindi nagustuhan ni Lanie Insigne, misis ni Junel Insigne, kapitan ng bangkang-pangisda na binangga ng Chinese vessel, ang sinabi ni P-Duterte na pinapayagan nitong mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas ang mga Chinese at dahil d’yan ay inihayag ni Gng. Insigne na dapat daw ma-impeach ang pangulo.
Buti pa ang misis ng boat captain may lakas ng loob magsabi na dapat ma-impeach ang pangulo, pero ang mga senador at kongresista, “nganga” lang sa isyung ito, buwisit!
◘◘◘
HINDI PUWEDENG ISUKO NI P-DUTERTE ANG MGA TERITORYO NG PILIPINAS NANG WALANG PAHINTULOT NG MAMAMAYAN — Inamin ni P-Duterte na nagkaroon sila ng kasunduan ni Chinese Pres. Xi Jinping na pinapayagan niyang mangisda sa West Philippine Sea (WPS) ang mga Chinese.
Ganu’n? Aba, labag sa Konstitusyon ang ginawang ‘yan ni P-Duterte na mistulang isinuko na niya sa China ang WPS, dahil malinaw ang nakasaad sa Saligang-Batas na hindi puwedeng isuko ng pangulo ang karapatan ng mga Pilipino sa mga teritoryo ng Pilipinas nang walang pahintulot mula sa mamamayan, period!
◘◘◘
DATI, ANG MGA PATROLMAN LANG ANG NAHUHULI SA KOTONG; NGAYON, POLICE MAJOR NA! — Dinakip ng mga awtoridad si P/Maj. Raul Salle ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) dahil sa pangongotong.
Hay naku, pataas nang pataas ang ranggo ng mga pulis na nahuhuli sa kotong, dati, ang mga patrolman lang ang nahuhuli; ngayon, police major na, buwisit!





Comments