top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga joke ni P-Digong, puwedeng gamitin sa propaganda at sakyan ng mga dayuhan, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2019
  • 2 min read

NAGBANTA si P-Digong na ipakukulong niya ang mga magsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya.

Pinatulan naman ang kanyang ‘joke’!

◘◘◘

PERO, hindi biro ang banta ng impeachment kasi puwede itong gamitin sa propaganda at sakyan ng mga dayuhan.

Meaning, mahalagang maging solido ang Kongreso sa gitna ng impeachment issue!

◘◘◘

Ayon sa political analyst na si Mon Casiple, mainit ang usapin sa West Philippine Sea at ang banta ng impeachment hanggang sa huling nalalabing 3 taong termino ng pangulo.

Pwes, kailangan ng pangulo na magkaroon ng tigasing kasangga sa Kamara!

◘◘◘

MATINDI ang banta ng Makabayan bloc na magsusulong ng impeachment.

Gagamitin nilang ebidensiya ang official statement ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio!

◘◘◘

PINAYAGAN kasi ng pangulo na makapangisda ang mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa WPS.

Ang problema, sinusuyo naman ni Rep. Lord Allan Velasco na makopo ang boto ng Makabayan bloc sa pagka-Speaker kontra kay Rep. Alan Peter Cayetano!

◘◘◘

SINUSUYO rin ni Rep. Velasco ang Liberal Party para sa kanyang ambisyon.

Kung sakali, ang Makabayan bloc at LP ay magkukutsabahan sa impeachment process.

Maaaring mapahamak si Rep. Velasco kapag ganyan ang maging senaryo, delikado si P-Digong!

◘◘◘

Sa term-sharing na tinanggihan ni Rep. Velasco, sinabi ni Casiple na naniniwala siyang nainis dito ang pangulo at malaking puntos ang nawala kay Rep. Velasco.

Maituturing umano itong pagtalikod sa hangarin ng pangulo!

◘◘◘

LUMALABO na ang tsansa ng term-sharing at rumeresbak ang mga kritiko ni Rep. Cayetano.

Hindi raw maka-move on at desperado raw si Rep. Cayetano sa kasunduang napurnada na!

◘◘◘

NAGANAP daw ang lihim na “ka­sunduan” noong bumisita si P-Digong sa Japan, pero hanggang ngayon ay kinakalantari ito.

Iba na ang isyu ngayon at ito ay ang pagiging neutral ni P-Digong!

◘◘◘

KONTRA sa term-sharing ang ilang beteranong kongresista.

Makasisira raw sa institusyon ang term-sharing at maraming batas para sa bansa at mamamayan ang hindi makauusad!

◘◘◘

MAWAWALAN ng continuity ang trabaho dahil biglang papalitan ang mga may kontrol sa lahat ng komite.

Walang istabilidad ang ope­rasyon ng Kamara sa term sharing kaya apektado ang paggawa ng batas!

◘◘◘

MAY nagsasabing kapos ng bilang si Rep. Cayetano dahil hindi solido ang NP sa kanyang likuran.

Pero, kung matutuloy ang term sharing, d’yan lang makahahataw si Rep. Cayetano, siya raw ang unang uupo!

◘◘◘

SA ngayon, naghihimay ng boto si Rep. Cayetano.

Maging ang kanyang mga karibal ay kailangan din ng malaking bloke ng boto.

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page