BANARIO, SASAGUPA KAY OKAMI SA ONE DAWN
- BULGAR

- Jul 1, 2019
- 1 min read

BABANAT nang muli ang ONE: Dawn o Heroes sa Agosto 2 sa Mall of Asia Arena sa Manila, kung saan si Japanese legend Yushin “Thunder” Okami ay babalik aksiyon upang harapin ang top welterweight contender na si James “Nako” Nakashima ng U.S. para sa welterweight contest.
Si Okami ay isa sa most prolific martial artists ng Japan sa nakaraang dalawang dekada.
Kung saan, nagsimula ang career noong 2002. Sumagupa na sa napakaraming weight classes mula light heavyweight hanggang sa welterweight sa iba’t ibang Japanese promotions kabilang na ang Pride at Pancrase.
Habang ang kasagupa niyang si Nakashima ay kalkulado at intelihente ang bawat ibibigwas na estratehiya, na siyang naghatid sa kanyang panalo sa tuwing aakyat siya sa cage.
Hindi naman daw mahirap kasagupa si Okami, na planong dominahin ni Nakashima sa unang round pa lamang.
Nakatakda naman si Team Lakay Veteran Edward “The Ferocious” Kelly ng Pilipinas na sagupain si Xie “The Stalker” Bin ng China sa featherweight contest.
Mahusay si Kelly, ang Philippine Featherweight Champion sa parehong striking at grappling arts. Isang senior member ng pamosong Team Lakay ng Baguio City, kilala si Kelly sa kanyang 21-second knockout victory kontra Meas Meul ng Cambodia noong Enero 2018.
Pakay niya ngayon ang parehong resulta kontra Xie Bin. (MC)





Comments