39 kilos ng cocaine buking sa military plane
KINUMPISKA ng Spanish authorities ang halos 39 kilos ng cocaine mula sa miyembro ng Brazilian military na kasama ni Brazilian President Jair Bolsonaro upang dumalo sa G20 Summit na ginanap sa Japan.
Batay sa ulat, nakuha ng mga awtoridad ang 37 rolls ng cocaine sa garment bag na pagmamay-ari ni Sergeant Manoel Silva Rodrigues habang agad itong inaresto at ikinulong sa Spanish jail.
Kinasuhan ang suspek ng crimes against public health at hindi pa malinaw kung pababalikin ito sa Brazil.
Ayon sa tweet ni Bolsonaro, may naghihintay na parusa sa sinumang responsable sa paglalagay ng droga sa FAB plane.
Gayundin, dismayado ang Brazilian Ministry of Defense sa ginawa ng kanilang miyembro at nag-utos din ito na maglunsad ng military police inquiry para sa lahat ng kanilang kasapi.
Mahigpit na ipinatutupad ni Bolsonaro ang malawakang pagbabawal ng drug trafficking at krimen sa bansa.





Comments