Worried kung natural lang sa matandang lalaki ang problema sa prostate

Dear Doc. Shane, Ako ay 57 years old at may problema sa prostate. Sabi nila, natural lang sa matandang lalaki ang nagkakaroon ng problema sa prostate, totoo ba ito? Ano ba ang tinatawag nilang andropause, ito ba ay tulad ng menopause sa mga babae? Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol dito? — Arman
Sagot Habang tumatanda, nagkakaroon ng iba’t ibang sakit ang indibidwal. Sa kalalakihan, hindi iba ang pagkakaroon ng sakit, lalo na sa kanilang ari. Sa kasamaang-palad, nakaaapekto ito sa kanilang seksuwalidad at pakikipagtalik sa kanilang asawa.
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, nasa 50% hanggang 80% ng kalalakihan ang nagkakaroon ng problema sa kanilang prostate sa oras na tumuntong ito sa edad 40.
Ang prostate ang responsable sa pagpo-produce ng enzyme na nakatutulong sa paggalaw ng sperm.
Naaapektuhan nito ang pag-ihi ng indibidwal na maaaring nakaiistorbo sa kanyang pang-araw-araw na gawain maging sa kanyang pagtulog.
Dahil dito, isyu sa kalalakihan ang kawalan ng libido o gana sa pakikipagtalik dahil nawawala maging ang stamina at kumpiyansa sa sarili.
Ayon sa pag-aaral, nasa 66% ng kalalakihan na may problema sa prostate ay nakararanas ng erectile dysfunction.
Gayundin, ilan sa iba pang sanhi nito ay ang mga sakit na sumisira sa ugat ng indibidwal tulad ng diabetes, hypertension at iba pang sakit sa puso dahil naaapektuhan nito ang pagtigas ng ari ng lalaki.
Magamot man ito, nasa 1/3 o 33% lang nila ang nasosolusyunan ang problema sa pakikipagtalik. Problema rin ng kalalakihan ang premature ejaculation kung saan sa pakikipagtalik ay maagang nilalabasan ang lalaki kahit hindi pa niya gusto dahil dito, nawawalan agad ng satisfaction ang lalaki, lalo na sa pakikipagtalik, gayundin, isyu sa kalalakihan ang impotence o pagkabaog.
Samantala, kung may menopause ang kababaihan, nakararanas naman ng andropause ang kalalakihan.
Ang andropause ay ang pagbaba ng produksiyon ng testosterone sa lalaki na nakababawas sa kanilang sigla sa kanilang buhay-pakikipagtalik, subalit, hindi raw ito pinagdaraanan ng lahat ng lalaki.
Gayunman, makabubuti kung regular ang pagpapa-check-up sa inyong doktor para malaman o maagapan ang ibang sakit na dumarapo o nararanasan ng kalalakihan kapag nagkakaedad na.





Comments