TAN, KAMPEON SA SINGAPORE OPEN YOUTH MASTERS


KINABIG ni Merwin Tan ang Boys’ Masters youth championships sa idinaos na 51st Singapore International Open 2019 nitong weekend at pinatunayan na ang kanyang tagumpay sa 20th Asian School Tenpin Bowling Championships sa Malaysia ay hindi lang tsamba.
Nasungkit ni Tan, 19 ang kampeonato nang magpatumba ng leading 1,687 pinfalls sa walong laro at talunin si Malaysian Megat Zaqrul Haiqal sa kalamangan na five pins, habang si Japanese Keita Tokushia ay nalagay lang sa third place sa 1,657 pinfalls sa Singapore Bowling Temasek Club sa Rifle Range, Singapore.
Ang bagong national junior bowler ng bansa na suportado ng Philippine Bowling Federation (PBF) ay nagwagi rin noong Abril sa boys’ singles gold sa Asian Youth Championships kasunod ng men’s open masters title sa katatapos na Philippine International Open sa Mandaluyong City.
Samantala, kinapos si Bea Hernandez, sa pitong pins (1,667) sa girls’ youth masters upang maka-2nd place kontra sa nagwaging si Yuen Hui Shan Natalene ng Singapore (1,674). Nasa 3rd place si Singaporean Arianne Tay Kai Lin sa 1,643 pin falls. Bukod kina Tan at Hernandez, ang iba pang miyembro ng team ay sina Alexis Sy, Liza del Rosario, Kenzo Umali, Grace Gella, Kenneth Chua, Lara Posadas, Dyan Coronacion, Patrick Nuqui, Mades Arles, Raoul Miranda, Enzo Hernandez, Rachelle Leon, Alyssa Ty, Norel Nuevo, Emerson Gotencio at Kayle Abad. (MC)





Comments