top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sakay ang mayor, 19 iba pa | BANGKA LUMUBOG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 30, 2019
1 min read

KASAMA ang alkalde ng Almagro sa Samar sa 20 pasaherong nailigtas mula sa lumubog na bangka, kamakalawa ng hapon. Ayon sa inisyal na ulat mula sa Philippine Coast Guard Calbayog, Samar Station, naganap ang insidente bandang alas-3:00 ng hapon.

Kabilang sa grupo ni Mayor Amelia Cano ang ilang opisyal ng bayan at kanilang mga pamilya. Batay sa imbestigasyon, pauwi na sana sila sa Almagro mula sa Calbayog City kung saan sinaksihan nila ang panunumpa ng ilang opisyal ng lungsod.

Bukod sa kanila, sakay din ng bangka ang anim nitong pahinante.

Napag-alamang lumubog ang kanilang bangka matapos hampasin ng malaking alon. Agad nagsagawa ng rescue operation ang PCG kaya mabilis silang nailigtas. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page