Pusher timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Jun 30, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Jose, Pili sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Reden Paano, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, isang sachet ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments