Plataporma at kuwalipikasyon bilang Speaker, ilatag na lang para magkaalaman
- BULGAR

- Jun 30, 2019
- 1 min read
‘MAHABA ang ilong’ ni Rep. Lord Allan Velasco
Nasanay na kasi siya sa pagsisinungaling!
◘◘◘
INIYABANG niya na inendorso siya ng PDP-Laban, Partylist Coalition at Nationalist People’s Coalition.
Pero, hindi pala ito totoo!
◘◘◘
AGARANG itinanggi ito nina PDP-Laban Sec-Gen Pantaleon Alvarez, NPC President Vicente “Tito” Sotto III at lider ng Partylist Coalition na si Rep. Mike Defensor.
Kung ganu’n, paano pa mapagkakatiwalaan bilang Speaker si Rep. Velasco?
◘◘◘
KAHIT ang term-sharing na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi niyang walang katotohanan.
Pero, mismong si P-Digong ang nagkumpirmang mayroon ganitong kasunduan, pero umatras si Rep. Velasco!
◘◘◘
Mukhang binabangga nang harap-harapan ni Rep. Velasco ang pangulo sa usapin ng Speakership race.
Aba, hindi pa nananalong Speaker, parang gusto na niyang palabasin na sinungaling ang pangulo?
◘◘◘
Paano kung maging Speaker na siya?
Ibig bang sabihin, babanggain niya ang legislative agenda ng administrasyong ito?
◘◘◘
Ngayong ang lakas ng loob niyang ipahiya ang pangulo, paano pa kung siya na ang maging lider ng Kamara?
Sino ang ipinagmamalaki ni Rep. Velasco?
◘◘◘
DAPAT ay ilatag ni Rep. Velasco ang kanyang plataporma o kuwalipikasyon bilang Speaker.
Mahalagang ipakita niya na kaya niyang rendahan ang buong Kamara.
Mapasunod kaya niya ang mga may bahid nang kongresista o pagtawanan lamang siya nito?
Ang resulta, madidiskaril ang agenda ng Palasy0!





Comments