top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagsabog sa kampo ng militar, 8 dedo

Jeff Tumbado
Jun 30, 2019
1 min read

NASA walo na ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pagpapasabog sa kampo ng militar sa Sulu, Biyernes ng hapon.

Ang naturang pag-atake ay isinagawa sa pansamantalang kampo ng Philippine Army First Brigade Combat Team sa Bgy. Kajatian.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, tatlo sa mga nasawi ay sundalo habang tatlo pang sibilyan ang namatay at ang dalawang suspek na may dalang bomba.

Nasa 12 naman ang nasugatan sa insidente.

Naniniwala si Philippine Army Spokesman Lieutenant Colonel Ramon Zagala na walang ibang hangarin ang pambobomba kundi guluhin ang mahigpit na seguridad at ang military operation sa lugar.

Nauna nang sinabi ng military na posibleng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng pag-atake.

Kagabi ay inilagay na sa full alert status ang buong puwersa ng pulisya sa Metro Manila dahil sa pagpapasabog sa Sulu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page