MOLINA NG BLAZE, NILUSAW SINA DAQUIS AT PAAT NG HD
- BULGAR

- Jun 30, 2019
- 2 min read

NAHARAP muna sa pahirapang bakbakan ang reigning champion Petron bago nalampasan ang hamon ng Cignal, 25-20, 18-25, 25-16, 16-25, 16-14, sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Muntinlupa Sports Center.
Umayon ang ganda ng laro kay Frances Molina para akbayan ang Blaze Spikers sa makapigil-hiningang panalo sa prestihiyosong women’s club tourney.
Nakagawa si Molina ng 21 kills at tumapos ng 25 points para sa Blaze Spikers, upang mapahigpit pa ang kapit sa ikalawang spot na may 3-1 win-loss mark. May pinakawalang all-around game si Aiza Maizo-Pontillas sa bisa ng 11 markers, 24 digs at 11 excellent receptions para sa Blaze Spikers, habang si Toni Rose Basas ay may 10.
Pinuri ni Petron coach Shaq Delos Santos ang composure ng kanyang bataan at aniya, gigil sila sa panalo dahil sa nangyaring 4-set loss sa unbeaten leader F2 Logistics noong Huwebes.
“Coming off a loss is just as hard and we can’t afford to lose back-to-back games if we want to build momentum early on the conference,” ani Delos Santos, na mentor din ng national team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games. “It’s a good wake up call for us, see what we need to work on, try to adjust to situations thrown at us and to remind ourselves that a three-peat won’t be given to us on a silver platter.”
Dahil patas ng 11 sa fifth set, tila ididispatsa ng Cignal ang Petron dahil sa kalamangan na 2 puntos, 13-11 bago nakaabot sa match point, 14-12. “It was a hard-earned win for us today, Cignal pushed us to the limit,” ayon kay Delos Santos. “But I’m happy that my team held on tight and didn’t crumble.” Tumapos naman si HD Spikers Team captain Rachel Anne Daquis ng 17 points habang si Mylene Paat ay may 11, na dumanas ng unang pagkatalo sa tatlong laro. (MC)





Comments