top of page
Pokwang.jpg

HOTSHOTS, KINURYENTE ANG BOLTS SA ZAMBOANGA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 30, 2019
1 min read

PATULOY ang pamumupog ng Magnolia Hotshots matapos nilang ikahon ang 99-88, panalo kontra Meralco Bolts sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa MVA City Coliseum sa Zamboanga.

Dinomina ng Pambansang Manok Hotshots ang laban upang sikwatin ang pang-limang sunod na panalo at ilista ang 5-2 record.

Ipinaramdam agad ng Hotshots ang kanilang lakas sa unang dalawang periods, kinahig nila ang 18-point lead, 51-33 sa halftime. Bahagyang humabol ang Bolts sa third canto, kumana sila ng 30-21 para ibaba sa siyam ang lamang ng Magnolia, 63-72 papasok ng 4th.

Hindi nagpabaya ang Hotshots sa 4th quarter kaya naman nasilo nila ang matamis na panalo. Samantala, nais ng San Miguel Beer na makabangon agad mula sa masaklap na pagkatalo sa huli nilang laban kontra Magnolia.

Haharapin ng Beermen ang Columbian Dyip sa ganap na alas-4:30 ng hapon sa Araneta Coliseum. Tangan ang 2-4 karta, kailangang manalo ng San Miguel Beer upang manatiling may tsansang makalaro sa susunod na phase.

Inaasahang sasandal ang Beermen kay five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo. Magtatapat sa pangalawang laro ang Bgy. Ginebra Gin Kings at Alaska Aces sa alas-6:45 ng gabi. (ATD)

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum) 4:30 p.m. - San Miguel Beer vs Columbian Dyip 6:45 p.m.- Bgy. Ginebra vs Alaska

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page