Gobyerno, dapat nang kumilos kontra malnutrisyon
- BULGAR

- Jun 30, 2019
- 1 min read

NAKABABAHALA ang pagdami ng batang malnourished sa bansa.
Bukod sa kahirapan, ang pagiging mapili ng mga bata sa pagkain ay isa ring dahilan.
Batay sa pinakahuling survey ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST), nananatiling problema ang malnutrisyon sa bansa.
Ito ay dahil maraming magulang ang hindi alam kung paano pakakainin nang tama ang kanilang mga anak.
Halimbawa nito ang madalas na pagkain ng noodles at processed food.
Lumabas din na malaking problema ang stunting o pagkabansot ng mga bata kung saan isa sa bawat apat na sanggol mula pagkapanganak hanggang 23 buwan ay nakararanas na ng stunted growth.
Payo ng FNRI, dapat alagaan ng nanay ang kanyang kalusugan sa pagbubuntis pa lamang, gayundin, hinihikayat ng ahensiya ang mga ito na magpa-breastfeed mula pagkapanganak hanggang sa ikaanim na buwan ng sanggol.
Bukod pa rito, nananawagan ang FNRI sa pamahalaan na paigtingin ang programa sa nutrisyon sa bansa.
Hindi na bago ang malnutrisyon sa mga bata pero, puwede itong maiwasan kung maibibigay ng mga kinakain nila ang nutrisyon na kailangan ng kanilang katawan.





Comments