Ex-mayor timbog sa pagpatay

NASUKOL ng pulisya sa Quezon City ang dating alkalde sa Dingras, Ilocos Norte na suspek sa pagpatay sa opisyal ng Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC).
Si dating Mayor Marynette Gamboa, 55, ang itinuturong mastermind o utak sa pananambang kay Dingras Mayor-elect Joefrey Saguid at pagpaslang kay INEC President Lorenzo Rey Ruiz.
Ala-1:00 ng hapon ng Biyernes nang dakpin si Gamboa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Unit 26-G. Olympic Heights Tower 1 sa Eastwood, Bgy. Bagumbayan, sa bisa ng warrant of arrest laban dito.
Dinala na kahapon sa Ilocos Norte police ang suspek na hindi pinayagang makapagpiyansa dahil sa kasong murder na kinahaharap nito.





Comments