Basura raw, second day pa lang, tinanggal na sa sinehan… MOVIE NINA JAKE AT KRIS, DAVID AT SHAIRA, P
- BULGAR

- Jun 30, 2019
- 2 min read

NAGDADALAMHATI ngayon ang mga producers ng dalawang Pinoy movies na nagbukas sa mga sinehan noong Hunyo 26 dahil sa mahinang first day gross ng kani-kanilang pelikula.
Kahit pa tadtad sa promo, patuloy pa rin ang katamaran ng mga Pinoy na panoorin ang sariling pelikula natin.
Matatandaang umuulan ng “flopsina” o pagkalugi ang mga prodyuser na gumagawa ng pelikula sa mga nakaraang buwan (o taon na?) subali’t marami pa rin ang sumusugal sa pagpoprodyus.
‘Yun na nga, hindi maganda ang resulta ng magkasabay na pelikulang nagbukas sa mga sinehan nitong Miyerkules, ang KontrAdiksyon at Because I Love You na higit pa raw sa malamya ang naging resulta noong first day showing.
Katwiran ng isang netizen na si Lucky Laotingco ng Grey Hardware, Makati City, “Bigyan ninyo kami ng matinong pelikulang Pinoy, kahit bumabagyo, panonoorin namin ‘yun. Eh, mga basura ang istorya, itataya mo ba ang P220 mo sa panonood ng wa’ ‘wentang panoorin?”
Ang KontrAdiksyon nina Jake Cuenca at Kris Bernal ay naka-P300K+ lamang na first day gross, samantalang ang Because I Love You nina David Licauco at Shaira Diaz ay naka-P100K+ lamang, gayung sa 120 sinehan ito nag-open, ayon diumano sa producer na si Arnold L. Vegafria.
Ayon pa rin sa mga theater operators, maraming ZERO gross ang box office take ng Because I Love You, kaya’t ‘di kataka-takang nag-first day, last day ito sa maraming sinehan.
Umasa marahil ang prodyuser ng KontrAdiksyon at maging ng BILY na si Arnold sa kanyang instinct na baka mambulaga ang David-Shaira team-up sa takilya gaya ng Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na out of curiosity ay nag-box office.
‘Yun nga lang, ang sumunod na Alessandra-Empoy project ay dumanas naman ng kamalasan sa takilya, pagpapatunay na walang solid fans ang tambalan nila at isa lang ‘himala’ ang naging kapalaran ng Kita Kita.
Ayon pa sa mga theater chains, mas bumaba pa lalo ang kita ng dalawang films noong second day (Hunyo 27, Huwebes) kaya marami nang theaters ang nag-pull-out sa pagpapalabas ng sinasabing mga wa’ ‘wentang movies.
Despite sa sinasabing matumal ang pagdagsa ng moviegoers, ang kasabay nilang Annabelle Comes Home ay naka-P7M naman nang mag-open noong Wednesday.





Comments