Para sa mga nababahala sa kanilang kalusugan, read n‘yo ‘to! 7 PAGBABAGO SA MUKHA NA MAAARING SINTOM
- Justine Daguno
- Jun 29, 2019
- 2 min read

MARAMI sa atin ang sobrang conscious pagdating sa mukha o hitsura. ‘Yung tipong maya’t maya ay tumitingin tayo sa salamin para makita ang ating sarili kung may dumi o pagbabago rito. Well, hindi lang kagandahan ang nakikita sa mukha ng sinuman dahil sa pamamagitan ng simpleng pagtingin sa mukha ay maaari na rin nating malaman ang lagay ng ating kalusugan. Narito ang ilang mga pagbabago sa appearance ng mukha na maaaring sintomas na ng iba‘t ibang sakit:
1. DRY, FLAKY SKIN OR LIPS. Sa pag-aaral ni Roshini Raj, MD, ang panunuyo o matigas na balat sa mukha at labi ang pinaka-common na sign ng dehydration. Gayundin, maaari itong mauwi sa mas malalang kondisyon tulad ng problema sa sweat gland tulad ng hypothyroidism o kakulangan sa level ng thyroid hormones. Ang iba pang sintomas ng hypothyroidism ay panlalamig ng katawan, weight gain at sobrang kapaguran.
2. EXCESS FACIAL HAIR. Ito ay nakikita sa jawline, baba at ibabang bahagi ng labi, partikular sa kababaihan. Ang unwanted hair na ito ay maaaring sintomas ng polycystic ovary syndrome, ito ay hormone imbalance kung saan ang male hormone level ay masyadong mataas o ang pasyente ay may kakulangan sa estrogen.
3. DISCOLORED COMPLEXION. Anumang pagbabago sa kulay natin ay hindi dapat ipinagsasawalambahala. Sa pag-aaral ni Mallika Marshall, MD, ang pagiging maputla ay sign ng anemia, samantalang, ang pagkakaroon ng ‘yellow tone’ ay maaaring indikasyon ng sakit sa atay o liver disease habang ang ‘bluish tint’ sa mga labi at kuko ay maaaring sanhi ng sakit sa puso o sakit sa baga.
4. EYEBAGS AND PUFFINESS. Para sa ilan, ang mala-panda na mga mata o eyebags ay sanhi lamang ng kakulangan sa tulog. Ayon kay Dr. Raj, ang “tired-looking eyes” ay maaaring sanhi ng chronic allergies kung saan lumalawak ang mga daluyan ng dugo o blood vessels na sanhi ng pag-leak nito na dahilan kaya nagkakaroon ng “maitim” at namamagang eyebags ang indibidwal.
5. FACIAL ASYMMETRY. Ang tila hindi pantay na mukha ang isa sa mga sign ng stroke. Ayon kay Leana Wen, MD, kailangang bantayan ang sintomas na ito, lalo na kapag nawawalan na ng pakiramdam ang kabilang parte ng mukha ng pasyente tulad ng kahirapan nito sa pagngiti. Hindi ito dapat ipagsawalambahala, lalo na kapag unti-unti na ring nahihirapan sa pagsasalita ang indibidwal.
6. NEW MOLES. Karamihan sa atin ay walang pakialam sa anumang nunal sa katawan, pero para safe, kailangan natin itong maipakonsulta sa dermatologist, lalo na kapag ito ay kakaiba o bagong tubo lamang sa ating balat. Ayon sa research, ang mga tumutubong nunal sa balat natin ay maaaring senyales ng skin cancer, internal disease o genetic syndrome.
7. HAIR LOSS. Ang unti-unting pagkawala o pagkalagas ng pilikmata, gayundin ng kilay ay posibleng sintomas ng alopecia areata. Ito ay autoimmune disorder at ang pinakatinatamaan nito ay ang hair follicles ng indibidwal. Ayon sa mga eksperto, bagama’t, mayroong mga treatment para rito, wala pa umanong lunas sa sakit na ito.
Walang masama kung conscious tayo sa ating sarili dahil responsibilidad nating mapanatili itong maayos, malusog at presentable. Gayunman, makabubuti pa rin na ugaliin nating magpakonsulta sa doktor para mas sure tayo, mga beshy! Copy?
Comments