top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Panghihimasok ng China sa teritoryo ng bansa, sumusobra na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 29, 2019
2 min read

NAGMISA tayo noong Miyerkules para sa isang grupo sa Mendiola. Ipi­nagdiwang ng grupo ang kanilang anibersaryo sa pagrosaryo sa tabi ng estatwa ni Don Chino Roces sa Mendiola.

Sa halip na manahimik ang grupo sa gitna ng sunud-sunod na pang-iinsulto sa Diyos, pinili nilang magdasal ng rosaryo upang ipakita ang kanilang pagkabagabag sa pang-iinsulto sa Diyos mula sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Mananalangin tayo ngunit, gagawin natin ito sa pampublikong lugar upang ipakita ang lalim ng ating hinanakit at pananam­palataya sa Diyos.

Bumalik ang grupo sa Mendiola at sinamahan natin ito upang muling manalangin, magmisa at magrosaryo para sa patu­loy na nagdurusang Inang Bayan. Hindi lumilinaw, bagkus, lalong lumalabo ang insidente ng pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang-pangisda ng 22 kababayan nating mangi­ngisda.

Kamakailan, ang ba­gong tugon ng pangulo ay payagang mangisda ang mga Tsino saanman sa karagatang sakop ng ating bansa. Sa halip na pagba­walan ang iligal na pang­hihimasok ng mga mangi­ngisdang Tsino, binibigyan pa ang mga ito ng kala­yaang mangisda.

Nakadidismaya dahil sumusobra na ang China sa kanilang panghihimasok sa ating teritoryo. Patuloy ang kanilang paglabag sa desisyong batay sa United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) na nagpapatunay ng ating karapatan sa 370 kilometrong Exclusive Economic Zone (EEZ).

Samantala, nagsalita na ang ilang opisyal laban sa pahayag ng pangulo kabilang si Associate Justice Antonio Carpio, hindi maaaring payagan ng pamahalaan ang mga Chinese na mangisda sa loob ng ating EZZ dahil ito ay labag sa Konstitusyon. Sa kabila nito, tinawag lamang na ‘stupid’ ng pangulo si Justice Antonio Carpio.

Matatandaang, noong isang araw, tinawag na “boba” ni DFA Sec. Teo­doro “Teddyboy” Locsin, Jr. si Vice-President Leni Robredo sa sinabi nitong iligal ang pagtanggal ng karapatan sa mga opisyal na magkaroon ng courtesy diplomatic passport. Ang desisyong tanggalin ang diplomatic passport ay bilang tugon sa nangyari kay dating DFA Secretary Albert del Rosario.

Napakalutong mag­mura at mang-insulto ng mga opisyal ng ating bansa. “Stupid”, “boba”, “P.I.” at marami pang hindi kanais-nais na mga salita ang muling umiikot at pinagpipistahan. Sa halip na magalit at mainsulto ang karamihan, tila wala nang sigawan at palakpakan tulad noon. Hindi malinaw kung gaano kalalim ang epekto ng masamang pananalita at halimbawa na ibinibigay ng mga nakata­tanda sa mga nakababata.

Makakaya pang mai­pagtanggol ang Inang Bayan kahit talunan at duwag ang posisyon ng ating pamahalaan. Nariyan ang mga mamamayang tunay na nagmamahal sa Diyos at sa kanilang bansa. Gising na, hindi tayo “stupid” at hindi rin tayo “boba”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page