top of page
Pokwang.jpg

Mga koneksiyon sa gobyerno, ginagamit para makapuwesto sa Kamara, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 29, 2019
2 min read

UMAMIN si Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon ng kasun­duan sa term-sharing sina Lord Allan Velasco at Alan Peter Cayetano.

Naganap daw ito sa Japan!

◘◘◘

NANG pumayag si P-Digong, biglang uma­tras si Rep. Velasco.

Si Rep. Cayetano raw ang unang mau­upo nang 15 buwan at ang nalalabing 21 buwan ay si Rep. Velasco naman!

◘◘◘

SA isang pahayag, sinabi mismo ni P-Du­terte na “ganu’n ang proposal, pumayag na si Rep. Cayetano, pero si Rep. Velasco, mukhang last minute nag-back-out”, paglilinaw ng pangulo.

Mayroong kumo­kon­tra sa proposal at mayroon ding puma­pabor!

◘◘◘

NAIIMBIYERNA rin si House Majority Leader Fredenil Castro sa “dukot-eksena” ni Rep. Velasco.

Mas angkop tawa­ging “political pick- pocketing”!

◘◘◘

GINAGAMIT ni Rep. Velasco si Mayor Sara imbes na paluta­ngin ang kanyang kuwalipikasyon.

Pero, may isa pang alas si Rep. Velasco.

Kumakalat sa media ang kanyang konek­siyon sa president at CEO na si Ramon Ang ng SMC!

◘◘◘

HINDI naman nag­lalabas ng pahayag si Ang para pabulaanan ang pagkakasabit ng kan­yang pangalan sa ‘bangayan’ sa Kamara.

Sa aktuwal, hindi si Rep. Velasco ang may konek kay Ang, bagkus ay ang kan­yang misis na si Wen!

◘◘◘

KAILANGAN nito ang konek sa gobyerno dahil nakabitin ang proposal na Bulacan airport.

May utang din daw na P19 bilyon ang Iligan Power Plant na hawak ng SMC sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM).

Nasa likod ang dam­buhalang korporas­yon ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na may kontrol sa Senado!

KAILANGAN din nilang makontrol ang Kamara.

Kumbaga, delika­dong maupo ang “proxy speaker”!

◘◘◘

KUMAKALAT naman sa social media ang mga litrato ni Rep. Martin Romualdez ka­sa­ma si P-Digong at min­san ay si Mayor Sara.

Tipong “konek” siya sa First Family kaya umaasa siyang magiging Speaker!

◘◘◘

PERO, ayon sa ilang insiders, hindi diretso si Rep. Romualdez sa Malacañang, bagkus ay mayroon siyang “padri­no”.

Kumbaga, sa pan­li­­ligaw ng mga pro­bin­­si­yano, gamit niya ang “tulay” na si alyas Samuel!

◘◘◘

SUMABIT ang natu­rang “pangalan” sa expose ni Sen. Antonio Trillanes IV na nagde­deposito umano para sa mga bank account ng First Family.

Maselang isyu ‘yan!

◘◘◘

SA aktuwal, nagbi­gay daw noon ng P30 mil­yon si Samuel sa presidential campaign ni P-Digong.

Palagi rin siyang sumasabit sa mga presidential trip ng pangulo!

◘◘◘

PAANO nakadikit kay Rep. Romualdez ang misteryosong negos­yante?

Ang mas mainam ay sagutin ‘yan ng alalay ni Ate Glo!

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page