top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Dobleng pagbabantay sa mga lansangan laban sa mga palaboy na nananakit, gawin!

Ryan B. Sison
Jun 29, 2019
2 min read

TAKOT, paniguradong ganito ang inyong mararamdaman kapag napa­nood ninyo ang viral video sa social me­dia kung saan may lalaking bigla na la­­mang sumulpot sa kahabaan ng EDSA sa pagitan ng Guadalupe at Boni.

Sa dashcam video, makikitang hi­narang ng lalaki ang motorista at ina­ambaang babatuhin ng hawak nitong bato ang kotse kung hindi siya bibigyan ng pera.

Ayon sa driver na si Mane Teodoro, magbibigay na dapat siya ng barya ngunit, P100 ang hinihingi ng lalaki kung saan pilit nitong ipinasok ang kanyang isang kamay sa bintana kaya napilitan siyang isara ito kung saan naipit ang lalaki kaya binato nito ang kanyang windshield at ginasgasan pa ang pinto.

Gayunman, hindi ito ang unang beses na may nakaranas na ganitong pangha-harass sa lansangan, pero na­kababahala dahil marami sa mga taong kalsada ang gumagamit ng dahas para lang makahingi ng pera.

Kaya nais nating hingin ang aten­siyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na solusyunan sana ang mga ganitong insidente da­hil sa totoo lang, malaking abala na ang naidudulot nito sa marami.

Bagama’t, marami na umano sa mga palaboy ang naialis sa EDSA, gumawa pa rin sana ng paraan ang awtoridad dahil pa­niguradong baba­lik at babalik ang mga ‘yan!

Samantala, doble-ingat para sa mga motorista at kung sakaling isa kayo sa maging biktima, mainam kung ipagbibigay-alam ninyo agad ito sa MMDA nang sa gayun ay hindi na maulit pa at tuluyan nang gawan ng ba­tas kung kinakailangan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page