top of page

Babala sa mga nagpipigil ng ihi!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 29, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay edad 40 at may 5 anak. Sabi nila, isa sa dahilan ng pabalik-balik na UTI ay kapag nagpipigil sa pag-ihi ang tao at madalas kumain ng maaalat na pagkain, totoo ba ito? Paano maiiwasan ang madalas na pagkakaroon ng UTI? — Deborah

Sagot

Ang UTI ay impeksiyon sa anumang bahagi ng urinary tract ng tao tulad ng kidney, ureters, urinary bladder at urethra. Ito ay dulot ng mikrobyo tulad ng E. coli.

Bagama’t, puwedeng magka-UTI ang mga lalaking edad 50 pataas, mas madalas magkaroon ng UTI ang mga babae.

Madalas magka-UTI ang mga babae dahil ang kanilang puwerta o reproductive tract ay halos magkadikit lamang sa daanan ng dumi.

Gayundin, dahil mas maikli ang daanan ng ihi ng babae at mas madali itong kapitan ng mikrobyo na karaniwan ay E. coli.

Chronic o recurrent UTI ang tawag sa pabalik-balik na pagkakaroon ng UTI, nangyayari ito kapag hindi lubos na nasugpo ang impeksiyon ng mikrobyo. Puwedeng may “anatomical problem” tulad ng kidney stones kaya pabalik-balik ang UTI.

Ayon sa pag-aaral, may grupo ng UTI na tinatawag na “complicated UTI” o UTI na hindi basta nagagamot ng karaniwang antibiotic.Ito ang mga impeksiyon na kumalat na sa dugo na tinatawag na bacteremia o septicemia. Sa ganitong impeksiyon, kailangan nang gumamit ng mas mataas na kalidad ng antibiotics.

Para maiwasan ang pabalik-balik na UTI, sundin ang mga payong ito:

  • huwag magpigil ng ihi

  • uminom ng maraming tubig, araw-araw

  • uminom ng diuretics tulad ng buko juice at cranberry juice

  • umiwas sa maaalat na pagkain

  • gumamit ng cotton underwear para hindi makulob ang mikrobyo

  • gumamit ng lubricant sa pakikipagtalik at umihi agad matapos ang sexual contact

  • sikaping magkaroon ng regular na ultrasound at pap smear

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page