2 NPA utas sa engkuwentro
Jeff Tumbado
Jun 29, 2019
1 min read

BULAGTA ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa panibagong engkuwentro sa pagitan ng militar sa Camarines Sur.
Nagsasagawa ng combat operation sa Bgy. Mampirao, Caramoan ang mga tauhan ng 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army nang makasagupa ang mga rebelde pasado alas-6:00 ng umaga ng Biyernes.
Nasamsam ng militar ang limang matataas na kalibre ng baril habang narekober naman ang dalawang bangkay ng kalaban.





Comments