Sakay sa MRT 3, LRT 2 at PNR | ESTUDYANTE, LIBRE!
- V. Reyes / G. Pleñago / M. Moratillo
- Jun 28, 2019
- 1 min read

MALILIBRE na sa pasahe ang mga estudyante sa MRT 3, LRT 2 at Philippine National Railways (PNR) mula Lunes hanggang Biyernes, maliban kung holiday.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), hindi sisingilin ang mga mag-aaral sa piling oras ng biyahe ng nasabing mga train system.
Walang bayad ang pasahe ng mga estudyante sa MRT 3 simula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-6:30 ng umaga at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-4:30 ng hapon.
Sa PNR naman, libre ang mga estudyante sa pasahe mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-6:00 ng umaga at mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon.
Sa LRT-2, hindi sisingilin ng pasahe ang mga mag-aaral mula alas-4:30 ng madaling-araw hanggang alas-6:00 ng umaga at mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-4:30 ng hapon.
Epektibo ang libreng sakay sa Hulyo 1.
Libre na rin ang terminal fee para sa mga estudyante sa mga paliparang pag-aari at pinangangasiwaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) simula sa Agosto 1, gayundin sa mga pantalang pag-aari at pinatatakbo ng Philippine Ports Authority (PPA) simula Hulyo 16.





Comments