Pre-demolition conference ng PCUP para sa kaso ng demolisyon at ebiksiyon sa mga maralita, ayos!


MARAMI-RAMI na ring kaso ng demolisyon at ebiksiyon na tungkol sa maralita ang nabigyang-solusyon ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) dahil sa pagpapatawag nito ng Pre-Demolition Conference o PDC.
Sa pagpupulong na ito, sinisigurado ng ahensiya na hindi alanganin ang magiging lagay ng mga underprivileged and homeless citizen sa ganitong gawain.
Tanong: Ako si Amelia, 46 years old at pangulo ng samahan. Nabalitaan namin na bagama’t, ide-demolish ang lugar, magkakaroon naman ng lupa. Gusto namin ng ganu’n kasi may threat kami ng demolisyon sa lugar namin. Sana ay matulungan ninyo kami sa aming sitwasyon. Maraming salamat!
Sagot
Magandang araw, Aling Amelia! Tumutulong ang ating ahensiya sa isyu ng demolisyon at ebiksiyon sa mga kinikilala bilang underprivileged and homeless citizen o urban poor sa madaling salita.
Dahil iniiwasan nating maging kaawa-awa ang sitwasyon ng mga kababayan nating mahihirap at paaalisin sila ng hindi naaayon sa batas, nagsasagawa ng PDC ang ating ahensiya.
Sa pamamagitan nito, napag-uusapan ang lahat ng posibleng paraan upang maging ‘win-win’ ang sitwasyon tulad ng ating natulungan sa Tacurong City.
Napagkasunduan na huwag muna silang i-demolish at maghanap muna ng posibleng malilipatan sa tulong ng lokal na pamahalaan. Inorganisa rin natin sila para maging lehitimong samahan at mailapit sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) para sa Community Mortgage Program (CMP).
Aling Amelia, kung tayo ay mayroon ding kinahaharap na kaso, maaari tayong lumapit sa PCUP upang tulungan tayong gumawa ng paraan upang mas mapabuti ang inyong lagay.
Mayroong napaaalis talaga, ang iba naman ay nabibigyan ng malilipatan. Ang iba ay hindi napapaalis, pero ang iba ay wala nang nagawa. Ito ay nakadepende sa ating kaso ngunit, sisiguruhin nating magiging ‘win-win’ ang sitwasyon.
Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.
Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.
Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.





Comments