top of page
Pokwang.jpg

Para matapos na ang bangayan, P-Digong pumili na ng Speaker

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 28, 2019
2 min read

NAGGIGIYERA-PATANI na ang mga mambabatas dahil sa agawan sa Speakership sa Kamara.

Naging arena ng sabungan ang Batasan!

◘◘◘

HINIHILING na ngayon ang “divine intervention” ni P-Digong.

Ito ay para maiwasan ang “nuclear war” sa Kamara!

◘◘◘

AYON kay Rep. Joey Salceda, hindi kailangang “dumanak ang dugo” kung ieendorso ni P-Digong sinuman kina Rep. Romualdez, Rep. Velasco at Rep. Cayetano.

Kumbaga, wala dapat “bloodshed” sa Kamara!

◘◘◘

KAPAG nakapili na ang pangulo ng Speaker, titigil ang bangayan sa Kamara.

Hindi matutulad ang Batasan sa mabahong talipapa!

◘◘◘

NAGKORUS naman ang tatlong partido sa pagtanggi sa ulat na inendorso nila ang kandidatura ni Rep. Velasco bilang Speaker.

Naglabas ng kani-kanyang “denial statements” ang PDP-Laban, Partylist Coalition at National People’s Coalition (NPC) sa deklarasyon ni Sen. Manny Pacquiao!

◘◘◘

AYON kay Ako Bicol Partylist Cong. Alfredo Garbin, wala pang pinagkasunduan ang 54 partylist solons kung sino ang susuportahang Speaker.

Kung pumirma man daw ang kanilang pinuno na si Cong. Mikee Romero sa manifesto, ito ay sarili niyang desisyon at hindi ng buong partylist coalition!

◘◘◘

NABIKTIMA naman ng “wow mali” si Rep. Romualdez nang mag-joke si P-Digong.

Naniwala agad ang kampo ni Rep. Romualdez sa statement ng pangulo na bahala na si outgoing HSGMA sa pagpili ng makakapalit niya sa puwesto bilang House Speaker!

◘◘◘

PINAYUHAN daw ng pangulo si HSGMA na tutal naman daw ay magreretiro na ito bilang Speaker at ayaw na niyang sumakit pa ang kanyang ulo.

Sinabi pa ng pangulo na nangyari ang pag-uusap nila ni HSGMA sa HNP Thanksgiving noong Lunes!

◘◘◘

ANG buong akala ni Rep. Romualdez, pabor ito sa kanya, pero hindi niya alam na dahil dito ay naging sentro siya ng katatawanan sa hanay ng mga kapwa niya kongresista na silang pipili mismo ng susunod nilang House Speaker.

Pilyo talaga si P-Digong, pero sineryoso ni Rep. Romualdez sa pag-aakalang pabor sa kanya ang naturang “joke”!

◘◘◘

ANG totoo, hindi ipagkakatiwala ng pangulo sa kamay ni HSGMA ang direksiyon ng kanyang administrasyon sa natitira niyang tatlong taon.

Sa termino ni HSGMA bilang House Leader, maraming priority bills ang nabinbin.

Naging burara raw ang 17th Congress dahil kay HSGMA dahil itinengga ang budget approval!

◘◘◘

ALAM ng pangulo na ang loyalty ni Rep. Romualdez ay na kay Ate Glo.

Paanong papabor si P-Digong kay Rep. Romual­dez bilang Speaker kung wala sa kanya ang loyalty nito kundi nasa ibang tao?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page