top of page
Search
  • BULGAR

Nawala ang Scarborough Shoal noon, gustong isabak ang ‘Pinas sa giyera ngayon | Del Rosario, pinakap

SA lahat ng mga nagdaang Department of Foreign Affairs (DFA) secretary ng Pili­pinas, si ex-Sec. Albert del Rosario ang pina­kamasahol. Matatandaang, nawala sa atin ang Scarborough Shoal noong siya ang nasa puwesto.

Ngayon naman, gusto niyang magkagi­yera sa pagitan ng Pilipinas at China, tila su­nud-sunuran si ex-Sec. Del Rosario sa mga Kano na kinakabahang mawala ang ‘korona’ at maging ‘bida’ sa Asya sa gitna ng pag­yaman ng China at paglakas ng militar nito.

Kung iisipin natin, ang huling kaloko­hang ginawa ni ex-Sec. Del Rosario, nag-file siya ng kaso laban sa pangulo ng China na si Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC), ‘crimes against humanity’ kuno ang kaso, wala naman siyang basehan at namo­mo­litika lang ang lahat.

Kamakailan, pumunta si ex-Sec. Del Ro­sario sa Hong Kong, teritoryo ng China para mag-report sa isa pa niyang dayuhang amo (Indonesian), ang Salim na may-ari ng First Pacific Co. na may-ari ng Meralco, PLDT at iba pang mga dambuhalang korpo­rasyon sa bansa.

Siyempre, hindi siya tatanggpin o papa­pasukin sa Hong Kong o anumang lugar na may kaugnayan sa China, hinarang siya ng immigration doon, buti nga!

Ikaw kaya, kasuhan ka ng kapitbahay mo na kriminal ka, papapasukin mo pa ba siya sa bahay mo?

Lumalabas na iniinsulto niya ang gobyer­no ng China kabilang ang 1 bilyong mama­mayan nito. Siyempre, tulad sa ibang bansa, may “pride” ang mga ito sa kanilang bayan at li­der.

Tulad sa atin, kapag may nabalitaang Pi­noy sa abroad na nabastos o nadehado, ‘di ba, nagagalit din tayo, ano pa kaya kung pangulo ng ating bayan ang siniraan, tapos gusto niyang i-welcome siya sa China?

Kabaro niya ang isa pang dilawan na tinawag namang “boba” ni DFA Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. na si VP Leni Robredo na pilit sumasawsaw sa isyu, eh, wala namang alam.

Sa totoo lang, nakakasuka ang paggamit ni ex-Sec. Del Rosario ng diplomatic pass­port, gayung hindi na siya aktibong mi­yembro ng DFA.

Dapat daw ay may diplomatic immunity siya dahil diplomatic ang passport na gina­mit niya. Nakupo, bawal gamitin ‘yun kung walang authorization galing sa DFA.

Hindi ba, si ex-Sec. Del Rosario ang may kasalanan kaya nawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal (Panatag Shoal) noong 2012, panahon ni dating Pangulong Be­nigno Simeon Aquino III?

Siya ang DFA secretary noon, ang nag-utos na umalis ang Navy warship na BRP Del Pilar sa Scarborough.

Ang utos daw sa kanya ng U.S. na sabay aalis ang Pilipinas at China sa lugar, eh, hindi umalis ang China kaya parang ibinigay lang natin ang lugar sa kanila mata­pos makipag­girian, anong kla­seng estrate­hiya ‘yun?

Hanggang ngayon, todo-deny ang China na may usapang sila ay umalis noon. Mukhang naloko ng mga Kano si ex-Sec. Del Rosario, saan ka naman nakakita ng ganyang foreign affairs secretary?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page