top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Multa at kulong sa mga boss na dedma sa kaligtasan ng mga manggagawa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 28, 2019
1 min read

Nakalulungkot maaksidente sa trabaho, lalo na kung ang insidente ay maaaring ikamatay ng tra­bahador.

Kamakailan, nasawi ang isang empleyado nang lamunin ng meat grinder sa pinagtatrabahuhan nito. Kaugnay nito, muling ipinaalala sa publiko ang Republic Act 11058 o Occu­pational Safety and Health Standards Act na layong itaguyod ang kaligtasan ng manggagawa sa kanilang pinagta­trabahuhan.

Ipinag-uutos ang batas bilang responsibilidad ng employer na tiyaking may pangunahing tungkulin na panatilihin ang kaligta­san ng lahat ng empleyado.

Gayundin, may karapatan umano ang manggagawa na i-re­port ang anumang mamataan na ‘work hazard’ sa trabaho at tumanggi sa trabaho sakaling may makitang panganib dito.

Bukod pa rito, dapat magkaroon ng protective gear ang em­pleyado kung mapanganib sa kaligtasan o kalusugan niya ang ipinagagawa at dapat umanong may safety device at signs sa loob ng workplace.

Kung mapatutunayang lumabag sa safety standards na itinakda ng batas, multa at pagkakakulong ang kahaharapin ng namumuno ng kumpanya.

Walang pinipiling lugar ang aksidente ngunit, puwede itong maiwasan kung gagawing prayoridad ng employer ang kaligta­san ng manggagawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page