Mga mambabatas, takot matokhang kaya impeachment vs. P-Digong, bomalabs!

TRABAHO SA LUPA AT PINAGKAKAKITAAN SA DAGAT, PANG-CHINESE NA?—Matapos bigyan ni P-Duterte ng trabaho sa bansa ang mga manggagawang Chinese, ang mga mangingisdang Intsik naman ang binigyan nito ng dagdag na pagkakakitaan, ito ay nang pumayag siyang mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas ang mga Chinese.
Hay naku, saan kaya kukuha ng mapagkakakitaan para sa kanilang pamilya ang mga Pinoy?
Mantakin ninyo, ang mga trabaho sa lupa ay ibinigay sa mga Chinese at ang pinagkakakitaan sa dagat ay ibinigay din sa mga Tsekwa, hu-hu-hu!
◘◘◘
MALABONG MANGYARI ANG IMPEACHMENT KAY P-DUTERTE KASI TAKOT ANG MGA KONGRESISTA AT SENADOR NA MATOKHANG—Sabi nina ex-DFA Sec. Albert del Rosario at Director Jay Batongbacal ng University of the Philippines (UP) Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, puwede raw kasuhan ng impeachment si P-Duterte dahil sa pagpayag nitong mangisda ang mga Chinese sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Malabong mangyari ang impeachment kay P-Duterte kasi “onli in da Pilipins” lang sobrang laki ng takot ng mga kongresista at senador sa pangulo dahil baka “matokhang” sila, boom!
◘◘◘
SABI NI SENATE PRES. SOTTO, CHINESE NA ISDA SA DAGAT NG PILIPINAS, PUWEDENG HULIHIN NG MGA CHINESE—Suportado ni Senate Pres. Tito Sotto ang pag-aprub ni P-Duterte na mangisda sa West Philippine Sea (WPS) ang mga Chinese, dahil ayon sa kanya ay maaaring napadpad daw sa karagatan ng Pilipinas ang mga isdang galing China.
‘Yan pala ang natutunan ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III sa “Iskul Bukol”, na ang mga isdang Chinese na napapadpad sa dagat ng Pilipinas ay puwedeng hulihin ng mga mangingisdang Chinese, palakpakan naman d’yan!
◘◘◘
MANRARAKET NA SI “KIROS” KAILAN KAYA IPATOTOKHANG NINA PAMPANGA COL. FAJARDO AT ANGELES CITY COL. MANGUNE?—Balik-operasyon na naman daw ang raket na drop balls at color games ni “Kiros” sa Bgy. Pandan, Angeles City, Pampanga.
Kailan kaya “ipatotokhang” nina Pampanga PNP Director, Col. Jean Salvador Fajardo at Angeles City PNP Director, Col. Narvin Mangune ang manraraket na si “Kiros”? Abangan!





Comments