Mga kailangan para ma-avail ang discount sa burial services ng namatay na PWD
- BULGAR

- Jun 28, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung anu-ano ang mga kailangan upang ma-avail ang discount para sa burial services ng namayapang PWD? — Esteban
Dear Esteban,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 6.8, Rule IV ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 10754 o mas kilala bilang “An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability” kung saan nakasaad na:
“Section 6.8 Funeral and Death Services for the Death of a Person with Disability- The beneficiary or any person who shall shoulder the funeral and burial expenses of the deceased person with disability, shall claim the discount under this rule for the deceased person with disability upon presentation of the death certificate and person with disability identification card (ID) or in its absence, the original or certified true copy of the proof of registration from the issuing local government unit. xxx” [Binigyang-diin.]
Sang-ayon sa nabanggit na alituntunin, upang magamit ang discount para sa burial services ng namayapang person with disability (PWD), ang kanyang mga naiwan o ang sinumang sasagot sa gastusin ng pagpapalibing ay kinakailangang ipakita ang Death Certificate ng namayapang PWD at ang PWD I.D. nito. Kung sakaling wala ang PWD I.D. nito, maaaring ipakita ang orihinal o certified true copy ng pruweba na ang nasabing PWD ay rehistrado sa local government unit (LGU).
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments