Mayor ng Kyusi, babu! BISTEK, P26 BILYON ANG INIWAN KAY JOY


SA June 30 ay pormal nang isasalin ni Mayor Herbert Bautista ang pamamahala ng Quezon City sa bagong mayor na si Joy Belmonte.
Kasama niyang iiwan sa bagong alkalde ang pondo ng Quezon City na nagkakahalaga ng P26 billion (cash-on-hand and in-bank as well as investment) as of June, 2019.
Ngayong wala na siya sa pulitika, may mga nagtatanong kung maaasi¬kaso na kaya ni Bistek this time ang matagal nang inaabangang pag-aasawa niya. At alam din naman natin na up to now ay matinik pa rin sa chicks ang aktor-pulitiko.
Matatandaang hindi na tumakbo si Bistek sa anumang posisyon ni¬tong nakaraang eleksiyon matapos ang kanyang 3 terms bilang mayor ng Kyusi. Pahinga raw muna siya sa pulitika at babawi sa mga nawalang oras sa mga anak.





Comments