top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mayor Isko, hindi prayoridad ang mga proyektong reklamasyon sa Manila Bay?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28, 2019
  • 2 min read

SA Lunes, unang araw ng Hulyo, papasok na sa kani-kanilang tanggapan ang mga bagong halal na opisyal para magsimula nang magtrabaho. Kabilang sa mga ito ay si Mayor Isko Moreno, ang bagong halal na alkade ng Lungsod ng Maynila. Tinalo niya si Joseph “Erap” Estrada na tumakbo para sa kanyang ikatlo at huling termino sana bilang alkalde.

Mayroong mga ipinangako si Mayor Moreno sa kanyang pagpasok bilang pinakamataas na opisyal ng Maynila. Isa na rito ang pag-imbestiga sa nadiskubreng pagtapon ng napakaraming maayos na pagkain sa hinukay na butas sa loob ng Boystown. Aalamin kung sino ang nasa likod ng walang saysay na pagsasayang at paniguradong pananagutin ito.

Samantala, nagpahayag si Mayor Isko na hindi niya prayoridad ang mga proyektong reklamasyon sa Manila Bay. Tandaan, na may mga inaprubahang malalaking proyektong reklamasyon, partikular ang proyekto ng kaibigan at tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Mayor Isko, aalamin niya kung sumunod ang mga inaprubahang proyekto sa lahat ng nakasaad sa batas, partikular ‘yung mga may kinalaman sa kalikasan.

Bagama’t, alam nating maraming ipinangako ang mga kandidato sa panahon ng kanilang pangangam­panya na kadalasan ay hindi naman natutupad kapag nanalo na, sana, ang mga ipinangako ni Mayor Isko ay maipatupad kahit sa tingin natin ay hindi malabong pigilan siya ng proyekto ng mga malalakas sa pangulo.

◘◘◘

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, mahirap daw patunayan kung talagang sa Pilipinas lang ang mga isda sa karagatang sakop ng West Philippine Sea (WPS). Hindi raw imposibleng galing sa China ang mga ito at lumangoy lang sa loob ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ), puwedeng ang mga isda naman daw natin ang pumasyal sa karagatan ng China. Ito ang inilatag na punto sa panawagan na labag sa Konstitusyon ang pahayag ni Pangulong Duterte na puwedeng mangisda ang China sa loob ng ating EEZ.

Ngayon lang natin narinig na may nasyunalidad ang mga isda kaya wala raw problema kung hulihin sila ng kanilang mga “kababayan”. Kung ganu’n, wala rin dapat problema kung hulihin natin ang ating mga “kababayang isda” sa loob ng EEZ ng China, hindi ba? Ano ba ang basehan o paano malalaman kung saang bansa sila galing? Huwag na tayong magkomento.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page