top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Imported products, lagyan ng English o Filipino label — DTI

Gina Pleñago
Jun 28, 2019
1 min read

INIUTOS ng De­part­ment of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante na lagyan ng English o Filipino translation ang label ng mga dayuhang produkto sa mer­kado, partikular sa super­market.

Nagbabala ang DTI na papatawan ng parusa ang hindi susunod sa naturang kautusan ng P1,000 hang­gang P300,000 multa ha­bang sa ikatlong paglabag na­man ay maaaring ipasara ang establisimyento dahil sa paglabag.

Nilinaw ng DTI na dati nang may utos ang Food and Drug Administration (FDA) na dapat may pagsasalin sa English o Filipino sa pakete ng mga imported na pro­duk­to upang maintindihan ng mga consumer.

Inaatasan din ang mga negosyante ng mga restoran at department store na mag­karoon ng kaparehong pag­sa­salin sa label ng produkto.

Kabilang sa naturang kautusan ng DTI para sa lahat ng signage, billboard, advertisement, label, price tag, menu, resibo at marke­ting materials ng negosyong dayuhan ang produkto o serbisyo.

Iginiit ni DTI Under­sec­retary Ruth Castelo na hindi aniya patas sa mga consumer kung hindi maiintindihan ang nasa label ng mga produkto o serbisyo.

Matatandaan, na sinita ng DTI ang ilang Chinese res­taurant sa Las Piñas City dahil walang English transla­tion ang kanilang signage at menu. Saklaw ng FDA ang mga imported na pagkain at ga­mot habang ang mga estab­lisimyento o restoran na­man ang hawak ng DTI.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page