HPG official, huli sa aktong nangongotong

TIMBOG sa entrapment operation ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang opisyal ng Highway Patrol Group (HPG) sa loob mismo ng general headquarters sa Camp Crame dahil sa reklamo ng pangongotong.
Ayon kay PNP-IMEG Director Police Colonel Romeo Caramat, Jr., kinilala ang suspek na si Police Major Raul Salle, deputy chief ng Operations Management Division ng HPG sa Camp Crame.
Mag-aalas-12:00 ng hatinggabi ng Miyerkules nang mahuli sa aktong tumatanggap ng P400,000 marked money ang suspek.
Una nang nakatanggap ng ulat ang IMEG na sangkot sa robbery extortion sa isang biktima ang opisyal at kapalit nito ay masusing pag-iimbestiga sa idinulog nitong kaso sa HPG.
Nananatili sa kustodiya ng IMEG ang naarestong opisyal at mahaharap sa kasong administratibo at robbery extortion.





Comments