top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hirit ni P-DU30: Jueteng mas okay kaysa sa iligal na droga!

Ryan B. Sison
Jun 28, 2019
1 min read

MARAMING Pilipino ang nakiki­pagsapalaran sa mga sugal, partikular sa jueteng na iligal.

Pero, sa talumpati ni Pangulong Rod­rigo Duterte, sinabi niyang hindi umano niya ipatitigil ang operasyon ng jueteng sa bansa dahil kung mabubuwag ang network nito, posibleng ang aparatus ng iligal na droga ang pumalit dito.

Dagdag pa rito, hangga’t hindi nagi­ging maganda ang lagay ng ekonomiya sa Pilipinas, marami pa rin umano sa mga Pinoy ang patuloy na susugal sa buhay.

Samantala, ayon din sa pangulo, hin­di umano niya maaaring utusan ang kapulisan na araw-araw magsagawa ng raid sa operasyon sa nasabing sugal da­hil wala siyang sapat na puwersa at tauhan, gayundin, kung papipiliin siya sa pagitan ng iligal na droga at jueteng, pipiliin na lamang niya ang “lesser evil”.

Ang tanong, hindi pa ba sapat ang dami ng mga pulis, lalo na ngayong pa­tuloy silang nadaragdagan? Hmmm...

Sa totoo lang, dahil likas na matigas ang ulo ng mga Pinoy, kahit ‘yung iligal ay patuloy pa rin nilang tinatangkilik, ito ay dahil naniniwala silang posible itong maging dahilan para makaahon sila sa kahirapan, ‘yun nga lang, na­ka­tatakot na dahil hindi mapuksa-puksa ang iligal na droga, hinahayaan na la­mang ng gobyerno ang ibang iligal na lumaganap pa na alam nating may ma­samang epekto rin para sa mama­mayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page