top of page
Pokwang.jpg

BASILAN AT VALENZUELA PAKABOG SA OT; PASIG WAGI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 28, 2019
1 min read

NANGGULANTANG kaagad ang Valenzuela Classic habang ang Basilan Steel ay nagpakita ng lakas ng depensa nang parehong manaig sa overtime game sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season sa Valenzuela City Astrodome noong Miyerkules ng gabi, Hunyo 26.

Nagtrangko ng 13 puntos sa nalalabing 3:22 minuto at 4 sa nalalabing 14 segundo, iniangat ang Classic ni Chris De Chavez sa bisa ng kanyang spinning step back triple para sa 71-all at saka isinalpak ang 5 puntos kabilang na ang tres para sa extension period para gulantangin ng Valenzuela ang Bataan, 92-86.

Sa kabilang banda, ang reinforced Steel ay nagawang pigilan ang Pampanga Giant Lanterns pagdating sa ekstrang limang minuto na peryodo at itarak ang 83-74 na panalo.

Nakapagsalpak sina Jay Collado at Gab Dagangon ng tres para sa Steel sa huling 43 segundo para lukutin ang Lanterns na gahibla lang ang iskor, 74-76, kasunod ng dalawang free throws ni Levi Hernandez.

Malaking bagay din ang naitulong ni prized recruit Hesed Gabo para sa Steel na may 9 na puntos sa 4th quarter. Namuno sa scoring si Paolo Hubalde ng Valenzuela SPV Top Marketplace na may 21 puntos kasunod nina Reneford Ruaya na may 16, Orin Catacutan na may 12, lahat sa 4th quarter at si De Chavez na may 11.

Nakaresbak ang Pasig-Sta. Lucia Realty sa bisa ng 89-87 na panalo laban sa Caloocan Supremos sa opener. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page