top of page
Pokwang.jpg

2019 BNTV CUP 9-STAG DERBY MAG-GUGURLISAN SA BIG DOME

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 28, 2019
1 min read

MULING idaraos ang BNTV Cup 9-Stag National Derby – ang pinakasikat na early-bird competition sa Pilipinas sa bisa ng pagsuporta ng Thunderbird na pinaka-nangunguna at pinakamalaki sa larangan ng patuka at gamot para sa manok-panabong.

“Kinailangang gawin naming dalawang araw dahil sa rami ng gustong maglaban nang maaga sa Araneta na umabot na ng halos 200 ngayon, bilang pagpapaliwang kung bakit ang pagbubukas ng 2019 BNTV Cup sa Hulyo uno ay naging dalawang araw na,” ayon sa nagtatag ng BNTV Cup na si Joey Sy na isa sa mga iginagalang na Thunderbird national elite endorsers.

Nasa ikatlong taon na ang 2019 BNTV Cup at isa nang 9-Stag National Derby na may garantisadong premyo na P10,000,000 para sa maliit na entry fee na P6,600 lamang at minimum bet na P3,300 (P5,500 sa Araneta Coliseum).

Ang pinakahihintay na pagbubukas ay sa Hulyo 1 & 2 sa Smart Araneta Coliseum para sa simula ng dalawang buwan na 2-stag eliminations. Sa Hulyo 11, magkakaroon ng isang ‘straight 5’ na labanan sa New Dauis Cockpit Arena, Bohol, na susundan ng mga regular na 2-stag elims sa mga sumusunod na lugar at petsa: Hulyo 19 - New Tarlac Coliseum, Tarlac; Hulyo 23 - San Roque Cockpit Arena, Bulacan; Hulyo 24 - San Juan Coliseum; Hulyo 25 - Abucay Cockpit, Bataan; Hulyo 30 - Texas Cockpit Arena, Antipolo, Rizal; Hulyo 30 - Imus Sports Arena, Cavite at Hulyo 31 - Edward’s Coliseum, N. Ecija. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page