PLM-College of Medicine, ililipat sa OSMA

PLANONG ilipat ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Medicine campus na nasa Intramuros sa Ospital ng Maynila (OSMA) para mapalapit ang mga estudyante sa health facilities ng siyudad.
Ito ang inihirit ni Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko’ Moreno sa isinagawang konsultasyon sa student council officials sa PLM, kamakalawa.
Aniya, una na niyang isinulong ang P150 milyong alokasyon para sa improvement ng OSMA at P450 milyon para sa city-run hospital.
Nangako naman ang PLM student council officials na nakahanda silang makiisa at tumulong sa mga plano ng alkalde.
Ipinabatid din ng student council ang masikip na laboratories at libraries, cafeterias at kawalan umano ng transparency kung paano ginugugol ang development funds.
Samantala, tiniyak naman na magpapatupad ng mga reporma sa 100 unang araw sa panunungkulan.





Comments