top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PDP-Laban, NPC at Partylist Coalition pumalag | “WALA PA KAMING NAPIPILING SPEAKER”

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 27, 2019
2 min read

UMALMA ang mga miyembro ng PDP-Laban, Partylist Coalition at Natio­nalist People’s Coalition (NPC) sa sinasabing suporta na nakuha ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa pagka-Speaker.

Kaug­nay nito, naglabas ng paglili­naw ang tatlong partido at itinatanggi ang pagsuporta kay Velasco matapos luma­bas ang kopya ng multi-party manifesto nitong Mi­yerkules na sumusuporta umano kay Velasco.

Ang dokumento ay pir­ma­do ng ilang mga lider at representante ng nasabing mga grupo.

Ilang minuto matapos ilabas ang manifesto, ang 54-member na Partylist Coali­tion ay mariing itinanggi ang pagsuporta kay Velasco.

“As far as the coalition is concerned, we have yet to come up with the decision on who we will endorse as House Speaker,” ani Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, Jr.

Nang tanungin kung ba­kit kasali si 1-PACMAN Party­list Rep. Michael Ro­mero sa mga pumirma sa multi-party manifesto, ani Garbin na nagawa ito ma­lamang ni Romero bilang personal na desisyon at hindi ng buong coalition.

Samantala, inamin na­man ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nasorpresa siya ka­sama ang NPA sa lumabas na mani­festo, paliwanag niya na wala pang desisyon ang partido sa opisyal na pagpili ng na­pipisil na bagong Spea­ker.

Para naman kay Albay Rep. Joey Salceda, inamin din niya na walang naganap na konsultasyon sa pagitan ng mga miyembro ng PDP-Laban bago ang nasabing endorsement kay Velasco.

Umalma rin ang con­gressman sa banta ni PDP-Laban President Koko Pi­mentel na parurusahan ang mga miyembro ng partido na hindi boboto kay Velasco, aniya, hindi nabu-bully o na­tatakot sa banta ang mga miyembro kung iba man ang kanilang piliin.

Nauna rito, mga kongre­sista mula sa partidong PDP-Laban, sa pangunguna nina Rep. Ronnie Zamora, Rep. Neptali ‘Boyet’ Gonzales II, Rep. Abraham Tolentino at Rep. Dan Fernandez, ay nag­sama-sama upang ihayag ang kanilang buong suporta sa pagka-Speaker ni Taguig-Pateros Congressman Alan Peter Cayetano. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page