top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pamimigay ng Pantawid Pasada fuel cards, hanggang bukas na lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 27, 2019
1 min read

ISANG paalala lang sa ating mga friendship na mga jeepney driver at operator na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakukuha ng kanilang ayuda mula sa gobyerno.

Hanggang bukas na lang (Biyernes) June 28, ipamimigay ang Pantawid Pasada fuel cards na ipinamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na ang pondo ay galing sa pondo ng pamahalaan mula sa Tax Reform for Acceleration ang Inclusion Law (TRAIN).

Ito ‘yung Pantawid Pasada Program na inilaan ng gobyerno sa mga driver at operator na apektado ng excise tax sa diesel. Naglaan ang gobyerno ng P5, 000 ayuda sa mga apektadong driver at operator ng mga pampasaherong jeepney sa loob ng isang taon.

Kaya patuloy ang panghihikayat ng LTFRB na samantalahin ang natitira pang pagkakataon para mag-etching ang ayudang ito na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Tandaan lamang na ang maaaring makakuha ng ayudang ito ay ang mga jeepney driver at operator na may lehitimong prangkisa sa mga regional office ng LTFRB.

Kaya mga friendship, huwag nang magpatumpik-tumpik pa, sayang naman ang P5,000 assistance na puwedeng gamiting pang-diesel at magbigay ng extra income. Huwag balewalain ang P5,000! Gora na kayo mga mamang tsuper at operator, tara na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page