top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kung kelan 50-anyos na, saka nagkatikiman… HIRIT NI BAYANI: AI AI, GOOD KISSER!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 27, 2019
1 min read

ANG daming L-to-L, as in lips-to-lips scenes nina Bayani Agbayani at Ai Ai delas Alas sa pelikulang Feelennial (Feeling Millennial), kaya natanong si Bayani sa grand premiere night nila ng nasabing pelikula kung good kisser ba si Ai Ai?

“Yesss, Ai Ai is a good kisser talaga, hahaha!” pagpapatotoo pa ni Bayani with matching laughter on the side.

Kumusta naman ang working relationship nila ni Ai Ai sa movie? Masaya ba sila?

“Ay, totoo ‘yan, masaya kami talaga. Actually, ngayon lang kami nagkasama ni Ai Ai, pero tatlong dekada na kaming magkaibigan.

“Kaya nu’ng malaman kong magka­kasama kami rito nga sa Feelennial movie ay tuwang-tuwa ako siyempre.

“Alam mo, marami na sana kaming pinagsamahang pelikula noon pa, pero hindi natutuloy kasi ‘pag may ginagawa siya, may ginagawa rin ako. Kaya hindi kami nagkakatapat ng schedules.

“Talagang in God’s time. Si God talaga ang magsasabi kung kailan magaganap ang bawat pangyayari sa buhay natin.

“Kaya nga sabi naming dalawa ni Ai Ai, kung kailan singkuwenta na kami, saka lang kami nagkatambal sa pelikula with kissing scenes pa, hahaha!” sey pa ni Bayani with matching halakhak.

Ang Feelennial movie ay produced ng mag-inang Pops Fernandez at former actress Dulce Lukban with matching partner on the side na si MVP thru his Cignal TV at sa direction naman ni Direk Rechie del Carmen.

As of this writing ay showing pa rin sa ilang sinehan ang said movie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page