top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dapat gawin upang maiwasan ang high blood pressure

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 27, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 42 years old at nagtatrabaho sa opisina. Sa totoo lang, tumaba ako rito dahil palagi kaming nakaupo sa harap ng computer. Sabi nila, prone raw ito sa high blood pressure. Ano ba ang sanhi ng high blood pressure at mayroon bang maaaring gawin para rito? — Julie

Sagot

Sinasabing ang high blood pressure ay delikadong sakit dahil marami ang nagkaka­roon ng sakit sa puso at stroke dahil dito.

Narito ang ilan sa mga sanhi ng high blood pressure:

  • genes dahil ang sakit na ito ay namamana

  • pagkakaroon ng hindi magandang lifestyle

  • hindi tamang diet

  • kakulangan sa mobility ng katawan o uri ng trabaho (palaging nakaupo)

  • katabaan o obesity

  • kakulangan ng ehersisyo

  • masyadong pagbabad sa init ng araw

Ano ang maaaring ga­win upang maiwasan ang pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo?

Makabubuti kung baba­guhin ng pasyente ang kanyang lifestyle, lalo na kapag may history nito ang kanilang pamilya. Kailangang iwasan ang madalas na pag­kain ng karne o matatabang pagkain, gayundin ang labis na pag-inom ng alak at itigil ang paninigarilyo.

Kailangang sanayin ng pasyente ang sarili sa regular na ehersisyo at sikaping magkaroon ng sapat na tulog. Gayundin, kumain ng mga masusustansiyang pagkain. I-monitor ang presyon ng dugo at ugaliin ang regular na pag­papa-check-up sa pinaka­malapit na health center.

Mahalagang matukoy ang pinagmumulan ng pagtaas ng presyon. Kung sasangguni sa doktor, titingnan niya ang resulta ng blood test ng pasyente para matukoy ang abnormalidad dito.

Kung ang sanhi ng pagka­karoon ng alta-presyon ay ang mataas na cholesterol, magbi­bigay ang doktor ng maintenance na gamot para mapa­baba ang cholesterol sa dugo.

Tandaan: Ang alta­presyon ay seryosong sakit. Indikasyon ito ng pagka­karoon ng mas seryoso at malalang kundisyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page