top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

CHUA AT NUQUI, TOP 4; ANTIPORDA, NAG-CHAMP

Eddie M. Paez, Jr.
Jun 27, 2019
1 min read

NAPANATILI nina Pinoy pintopplers Kenneth Chua at Patrick Nuqui ang magandang tsansa papunta sa trono matapos silang mapabilang sa top 4 sa qualifying round ng 51st Singapore International Open sa Singapore Bowling @ Rifle Range.

Nakuha ni Chua ang pangalawang puwesto sa foreign qualifying pool dala ang rekord na 1,338 pinfalls samantalang pumang-apat si Nuqui, bahagi ng Philippine team na hinablot ang Asian Youth Bowling na team-of-4 gold medal, dahil sa napatumba nitong 1,313 na bolilyo. Kasama nila sa unang apat na bowlers sina Indonesian Hardy Rachmadian (1,403 pinfalls) at Keita Tokushia (1,327 pinfall) ng Japan.

Swak din sa makinang na paglalakbay papunta sa trono matapos ang bakbakan sa local qualifiers sina Singaporeans Cha Kusun Jomond (1,454 pinfalls), Khoo Kah En Joyan (1,451 pinfalls), Kuek Qi En (1,449 pinfalls) at Teo Jun Hao Xavier (1,427 pinfalls). Hindi na nakaporma ang iba pang kinatawan ng Pilipinas. Gugulong ang finals sa prestihiyosong paligsahan ngayong Sabado.

Samantala, pinatunayan ni Benjamine (Benj) Antiporda na hindi hadlang ang kabataan upang makamit ang minimithing matamis na kampeonato sa Remate Bowlers Cup sa Quezon City. Ito’y matapos nitong pitasin ang korona sa katatapos na torneo nang ilampaso ang mas malalakas, bihasa at kilalang keglers na kanyang nakatunggali.

Ayon kay Benjamine, anak ng masipag at sportsman na si DENR USEC Benny Antiporda, ibinuhos niya ang lahat nang makakaya upang maisukbit ang pinag-aagawang karangalan sa larangan ng bowling upang bigyan ng hamon ang sarili at mapasaya ang mga kapatid, kaibigan at magulang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page