top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Mga batang nagpapanggap na mangangalakal, magnanakaw pala!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2019
  • 2 min read

NAKATANGGAP ng reklamo ang inyong lingkod mula sa (mga) may-ari ng tindahan sa Kalakhang Maynila na dalawang paslit diumano na edad 13 at 15 ang nagkukunwaring nanganga­lakal o namumulot ng mapa­kikinabangang mga bagay sa basurahan, pero nagmama­tiyag o iniispatan pala ang puwede nilang nakawan.

Nakita sa Closed Circuit Television (CCTV) camera ang dalawang gusgusing batang lalaki na may dalang sako ang nagnanakaw sa dis-oras nang gabi kung saan tahimik ang kapaligiran.

Ang istayl ng pangungulimbat ay kanilang iniistambayan ang target na tindahan kung saan pinag-aaralan ng mga ito kung paano sila makapapasok sa loob ng tindahan at tinutungkab ang mga hubcap ng mga nakaparadang kotse at dinidistrungka ang mga side mirror nito.

Sa mga nakakita sa dalawang kawatang ito na aakalain mo lamang na nagpapahinga, hindi mo iisiping magnanakaw ang mga ito. Kapag puwede na nilang isagawa ang pagnanakaw, kahit may kandado ang pinto o bintana ng tindahan ay kanila itong sinisira para makapasok.

Presto, pinupuno na ng dalawang animal na batang suspek ang kanilang dalang sako na kung iisipin mo ay parang mga malalaking tao dahil kayang-kaya nilang bitbitin ang mga nakulimbat na bagay.

Sa mga ka-BULGAR natin d’yan na nagmamay-ari ng sari-sari store at sasakyan, maging maingat sana kayo sa mga paslit na nangangalakal sa inyong lugar dahil posibleng minamanmanan ng dalawang ito ang inyong lugar para kayo ay biktimahin.

Huwag ninyong bale­walain na komo mga bata ang mga ito ay maaawa kayo na ang hindi n’yo alam ay mga kawatan pala.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Sa susunod, Capulong St. sa Road 10 sa Tondo, Manila, ginagawang parkingan na may bayad. Hala!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page