Kung kailan tag-ulan, provincial bus ipagbabawal sa EDSA, tsk-tsk-tsk!

NOONG UNA, PALABAN SI SEC. LOCSIN KAY VP LENI, PERO SA HULI, ATRAS DIN PALA—Naglaban-bawi si DFA Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. sa banat niya kay Vice-Pres. Leni Robredo kasi noong una ay nag-post siya sa social media na tinawag niyang “boba” ang bise-presidente nang sabihan siyang mali ang kanyang gagawing pagkansela sa mga diplomatic passport ng mga dating DFA secretary at ambassador, pero makalipas lang ang ilang oras, binawi ng DFA secretary ang kanyang tirada at nag-sorry sa bise-presidente tungkol sa kanyang post sa social media.
Akala ng publiko, palaban na talaga kay VP Leni si Sec. Locsin, pero atras din pala, boom !
◘◘◘
KUNG KAILAN TAG-ULAN NA, SAKA IBA-BAN ANG PROVINCIAL BUS SA EDSA—Sisimulan na raw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bago matapos ang buwan ng Hunyo ang pag-ban sa mga provincial bus sa EDSA na ibig sabihin ay ang mga manggagaling ng north ay sa bus terminal sa Valenzuela City sila bababa at ang mga manggagaling ng south ay sa bus terminal sa Sta. Rosa, Laguna sila bababa.
Kawawa naman ang mga mananakay na bus lang ang sinasakyan sa kanilang patutunguhan kasi kung kailan tag-ulan ay saka pa iba-ban sa EDSA ang mga provincial bus, hu-hu-hu!
◘◘◘
KAPAG 5 MINUTES NA LANG ANG BIYAHE NG CUBAO TO MAKATI, PANG-LIFETIME PRESIDENT NA SI P-DUTERTE?—Sabi ni Brig. Gen. Roberto Fajardo, hepe ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na may pamamaraan daw silang gagawin para matupad ang kagustuhan ni P-Duterte na maging 5 minuto na lang pagsapit ng Disyembre ang biyahe papunta at pabalik sa Cubao, Quezon City hanggang sa Makati City.
Aba, kapag nagkaroon ng katuparan ‘yan, malamang, magkatotoo ang sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na dapat maging lifetime president na ng Pilipinas si P-Duterte, boom!
◘◘◘
PUWEDE PA LANG MAWALA ANG MGA ILLEGAL VENDOR SA DIVISORIA—Nawala na ang mga illegal vendor sa Divisoria, Manila dahil ayon kay incoming Mayor Isko Moreno, ayaw daw niya na may mga nagtitinda sa bangketa.
Puwede naman palang mawala ang mga illegal vendor sa Divisoria, pero hindi ito nagawa ni outgoing Mayor Joseph “Erap” Estrada sa dalawang termino niya sa Maynila, buwisit!





Comments