Ex-chairman nilikida ng gunman
SULTAN KUDARAT—Isang dating barangay chairman ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Buenaflor, Tacurong City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Edwin Guiamalon, dating barangay chairman ng Midpandakan, Gen. Salipada K. Pendatun, Maguindanao.
Ayon sa ulat, bumibili umano ng prutas si Guiamalon nang lapitan ng suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments